Kathryn, Daniel pinagkaguluhan sa airport ng Vietnam

kathryn bernardo

Napanood namin ang video ng pagdating nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa airport sa Vietnam. Sa panimula pa lang ng video ay kitang-kita na ang excitement ng mga staff sa airport sa pagdating nina Daniel at Kathryn.

Talagang pinagkaguluhan sila ng media. May mga foriegner nga na dumadaan na tila nakiusyoso rin. Tumanggap ng awards sina Daniel and Kathryn bilang Best Foreign Actor and Best Foreign Actress, respectively, sa 2015 Face of the Year Awards of Today TV sa Vietnam kaya naman sila naroroon.

Super detalyado ang videos ng mga fans nina Daniel at Kathryn. Pati ang palaging paghawak ng kamay ni Daniel kay Kath ay talagang tinututukan pa ng video. Hindi maikakailang super sweet ang dalawa during their trip.

Maganda nga ang pasok ng taon para sa KathNiel. Meron silang hit na teleserye, ang Pangako Sa ‘Yo tapos meron pa silang international recognition.

 

Read more...