Coco patuloy ang panata sa Itim na Nazareno

coco martin

Nakilahok ang Teleserye King na si Coco Martin sa prusisyon ng Itim na Nazareno kahapon sa Manila. Isa ang bida ng seryeng Ang Probinsyano sa mga kilalang celebrities na deboto ng Black Nazarene sa Quiapo.

Dumalo muna sa banal na Misa si Coco sa Quiapo Chruch bago sumali sa prusisyon. Ibinahagi rin ng award-winning actor sa iba pang deboto na naroon ang mga blessings na ibinigay sa kanya ng Itim na Nazareno simula nang magdasal siya nang taimtim sa Quiapo.

“‘Pag nagpupunta po ako ng Quiapo, nagdadasal po ako. Sinasabi ko, ’Mahal na Nazareno, bigyan Niyo lang po sana ako ng trabaho, kahit ano. Kahit hindi na po ako matulog, tatanggapin ko po iyan, basta bigyan Niyo po ako ng maayos na trabaho na mabubuhay ko ang pamilya ko,” ayon kay Coco.

Dagdag pa nito, “Noong mga panahon po na iyun, wala pa po sa isip ko na papasukin ko ang mundo ng showbiz at pag-aartista. Siguro andito ako ngayon dahil ang purpose ko ay para ma-inspire ko kayo.”

Hanggang ngayon, kahit sikat na sikat na siya, patuloy pa ring namamanata si Coco sa Black Nazarene, “Siyempre ’pag artista ka imbes na ang focus mo makapagsimba ang mangyayari mapupunta sa akin.

Kaya talagang palihim akong nagpupunta doon, minsan nasa sulok lang ako, nasa labas lang ako ng simbahan.” Bukod kay Coco, um-attend din ng misa si Angeline Quinto, isa pang Nazareno devotee, sa Quiapo bago magsimula ang prusisyon.

Read more...