Ang Probinsyano ni Coco tatagal pa hanggang Hulyo

By Reggee Bonoan January 09,2016
share this

Ang Probinsyano ni Coco tatagal pa hanggang Hulyo

By Reggee Bonoan January 09,2016
share this

coco martin

TIYAK na magbubunyi ang mga tagasuporta ni Coco Martin dahil hanggang Hulyo pa ang FPJ’s Ang Probinsyano, base sa narinig naming tsika sa ABS-CBN.

Yes, bossing Ervin, hanggang July pa ang teleserye ni Coco na dapat sana’y hanggang Pebrero lang, pero dahil sa maganda ang feedback at marami pang kuwentong iikutan ang serye ay na-extend agad ito.

Marami pang mangyayari sa karakter ni Cardo (Coco) ngayong nagkasanga-sanga na ang mga kasong kailangan niyang lutasin at mas dadami pa ang mga kriminal na haharang sa kanyang landas.

Hindi pa nga natatapos ‘yung mga kaso kina Richard Yap at Albert Martinez ay sumabay pa ang pagtugis ni Cardo sa grupo ni Ronaldo Valdez bilang Ninong at heto, may bago na naman siyang misyon, ang sindikatong pinamumunuan ni Olga (Gina Pareño).

Akalain n’yo, ang paboritong Lola Gets ni Coco sa seryeng Tayong Dalawa ay heto’t magiging kalaban na niya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Base sa tumatakbong kuwento ngayon ng Ang Probinsyano, ang pag-kidnap naman ng grupo ni Olga kay Noemi (Sunshine Garcia) ang iimbestigahan ni Cardo.

Mas lalo pang magiging determinado si Cardo sa pagtugis sa mga kawatan dahil mabibiktima rin nito si Carmen (Bela Padilla) at ilalagay sa panganib ang kanyang buhay. Mailigtas pa kaya ni Cardo ang asawa ng kanyang kakambal? Abangan gabi-gabi sa Ang Probinsyano after TV Patrol.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending