Julia epektib na kontrabida; Inigo, Miles bagong version ng Piolo-Juday loveteam

julia barretto

Isa pang loveteam ang gusto ring mapansin ay ang tambalang Julia Barreto at Kenzo Gutierrez na marami na ring tagasuporta dahil sa mga nakakakilig ng eksena nila sa seryeng And I Love You So kasama sina Inigo Pascual at Miles Ocampo.

Mukhang magki-click naman ang dalawa lalo’t may nakaraan naman sila sa tunay na buhay noong mga bagets pa sila base na rin sa kuwento ni Kenzo noong nasa loob pa siya ng PBB house na ikinagulat ng lahat dahil nga malaking revelation ito.

At in fairness, puro papuri ang nababasa naming komento ng netizens tungkol sa malaking improvement sa akting ni Julia sa serye. Ayon nga isang nag-comment effective si Julia sa mga bida-kontrabida roles.

Si Inigo ang alam naming makaka-loveteam dapat ni Julia, pero sa pagpasok ni Kenzo sa And I Love You So ay sila na ang magiging magka-partner at ang anak naman ni Piolo Pascual na si Inigo ang makakatambal na ni Miles.

Bagay din naman ang dalawa at maraming nagsasabi na sila ang bagong version ng Piolo Pascual-Judy Ann Santos tandem. Half sisters sina Miles (Joanna) at Julia (Trixie) sa kuwento ng And I Love You So at hindi sila magkasundo kaya sa bawa’t masamang nangyayari sa bawa’t isa ay isa sa kanila ang pinagbibintangan.

Tulad sa tumatakbong kuwento ngayon ng And I Love You So, si Trixie ang pinagbibintangan ng mga tao na lumason sa half-sister niyang si Joanna. Pagkatapos nang biglaang pagkahimatay ni Joanna sa kasal ng kanyang mga magulang na sina Michelle (Dimples Romana) at Alfonso (Tonton Gutierrez), kumalat ang balitang nilason ni Trixie si Joanna at naging usap-usapan sa kanilang paaralan.

Ngunit sa kanyang hinala na si Katrina (Angel Aquino) ang may sala sa pagkakalason ni Joanna, nagsagawa ng imbestigasyon si Alfonso upang mahuli at pagbayarin si Katrina sa kanyang ginawa.
Tutukan ang mga kapana-panabik na eksena sa And I Love You So, tuwing hapon sa ABS-CBN.

Read more...