#KuyaGerms naging trending topic sa Twitter
Nagluluksa ngayon ang mundo ng showbiz sa pagyao ni Kuya Germs. Nakakalokang pambungad ito ng Bagong Taon para sa mga taga-industriya.
Sa pagpanaw ni Kuya Germs o mas kilala sa panahong ito bilang si Master Showman o Mr. Walang Tulugan,” maraming anak-anakan niya sa showbiz ang mabilis na nag-post ng kani-kanilang mensahe para makiramay sa mga naulila ng TV host-comedian.
At 82, napakarami nang nagawa at nai-contribute sa showbiz ni Kuya Germs, lalo na sa mundo ng telebisyon, partikular ang pagiging tatay niya sa ilan sa mga pinakamatagumpay na artista natin.
Mula sa ating Superstar na si Nora Aunor hanggang sa mga gaya nina Sharon Cuneta at Lea Salonga, Ruffa Gutierrez, Billy Crawford at napakarami pang iba hanggang sa mga bagets stars natin tulad ni Jake Vargas at mga kasamahan niya sa Walang Tulugan, walang makapagsasabi na hindi sila natulungan ni Kuya Germs bilang isang mentor, ama, kaibigan at adviser.
Mahal na mahal din ng entertainment media si Kuya Germs dahil malapit din siya sa mga reporter at gaya namin, marami rin kaming magaganda at makabuluhang mga aral na natutunan mula sa kanya.
Rest in peace Kuya Germs at gaya ng pamoso mong mga linya, for sure sa langit ay totoong “wala nang tulugan”. Happy trip to heaven po!
Samantala, dahil nga sa dami ng mga artistang nagbigay ng mensahe sa pagkamatay ni Kuya Germs sa kani-kanilang social media accounts, naging isa sa top trending topic sa Twitter ang hashtag na #KuyaGerms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

