Papalarin ba sa negosyong tindahan?

Sulat mula kay Babylyn  ng Diaz Subdivision,  Lagao, Gen San City
Dear Sir Greenfield,
May ipapahiram na puhunan sa akin ang ate ko na nasa Japan. Sabi kasi niya sa akin ay magnegosyo raw ako para umunlad ang buhay namin at hindi na kami asa nang asa na lang sa kanila. Kaya sa ngayon ay binabalak kong magtayo ng tindahan sa harap ng aming bahay. Itatanong ko lang kung bagay at suwerte po ba sa akin ang negosyong tindahan. September 23, 1987 po ang birthday ko. Magki-click kaya ang naisip kong negosyong ito? Mapapalago ko ba ito upang hindi na kami laging umaasa na lang sa ate ko na nasa Japan?

Umaasa,
Babylyn ng Gen
San City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na bukod sa paga-abroad, tunay ngang susuwertehin ka rin sa pagnenegosyo. Kaya tama lang ang binabalak mong tindahan. Pero mas maganda kung ang nasabing tindahan sa halip na sa lugar n’yo lang itatayo, itayo mo ito sa bayan o sa isang lugar na maraming tao upang sa ganoon ay mas malaki ang kitain mo at mas madali kang aasenso.
Cartomancy:
Bukod sa pagtitinda, susuwertehin ka rin sa paga-abroad lalo na kung tutulungan ka ng ate mo na makapag-Japan. Ito ang nais sabihin ng barahang Five of Diamonds, Ten of Hearts at Six of Diamonds.
Itutuloy

Read more...