Cristine Reyes game na game pa rin sa hubaran kahit may asawa’t anak na

CRISTINE REYES AT ALI KHATIBI

CRISTINE REYES AT ALI KHATIBI

MAS responsable at mas ganadong magtrabaho ngayon si Cristine Reyes dahil sa kanyang anak at future husband na si Ali Khatibi.

Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ng dating sexy actress na isa na rin sa maituturing na hot mama ngayon sa mundo ng local showbiz nang humarap siya sa entertainment media sa presscon ng latest movie niyang “Lumayo Ka Nga Sa Akin”.

Mismong ang direktor nila sa “Lumayo Ka Nga Sa Akin” (Asawa Ni Marie episode) na si Chris Martinez na ang nagsabi na mas nice, mas professional, at laging prepared si Cristine pagdating sa shooting nila.

As in ibang-ibang Cristine na raw ang nakatrabaho niya.

Nang matanong ang aktres kung ano ang reaksiyon niya sa sinabi ng direktor, “Nagulat ako! Direk Chris! Sabi ko nga sa kanya, ‘Direk, bakit, di ba ako okey sa ‘The Gifted’? So far naman, okey tayo, a!’

“Pero sabi naman niya, nice at nicer daw ngayon. I guess, nakita niya rin na mas siguro nagkaroon ng direction ang life ko as a mom.

“Right now kasi, hindi na ako happy-go-lucky na kung ano ang meron. Sa ngayon, iniisip ko siyempre ang future ko, future ni Amarah, future ng family namin. So, I guess, doon nagkakaroon ng direction ang buhay. So, yun,” ani Cristine.

Nang matanong naman siya kung anu-ano ang realizations niya ngayong isa na siyang mommy, “Wala naman. Actually, noong nag-stop ako for work, nag-leave ako because I’m pregnant.

“Parang feeling ko, ang sarap ng feeling ng buntis. You’re carrying your own baby. Sobrang miraculous siya. Yung tinatawag nilang essence of a woman,” aniya pa.

In fairness, araw-araw daw ay lagi siyang inspired at ganadong gumising dahil sa baby nila ni Ali,

“Ngayon, nakakasama ko na siyang mag-shopping, nakakasama ko na siyang kumain sa labas. Ay, grabe, ang cute niyang kasama!”

Sa Jan. 27 na sila ikakasal ni Ali, meron ba silang usapan na hindi na siya magpapaseksi sa mga projects niya, kabilang na ang muling pagpo-pose sa FHM, “Wala naman. Hindi ko pa alam! Pero kung kaya (mag-pose uli sa men’s magazine), bakit hindi? Pero hindi ko alam. I mean, ayokong magsalita nang tapos.”

Nagpapasalamat naman si Cristine dahil nakakita siya ng lalaking tulad ni Ali, “Sige, hindi ko na sasabihing mabait, kasi given na ‘yun. He’s trying his best to be a responsible dad and partner.

Tumatayo siya bilang padre de familia sa ngayon. At malambing siya talaga.”

Read more...