Pia Wurtzbach bridesmaid ni Pauleen; Wally, Jose, Paolo groomsmen ni Vic Bandera

Pia Wurtzbach bridesmaid ni Pauleen; Wally, Jose, Paolo groomsmen ni Vic

Ervin Santiago |January 08,2016
share this

Pia Wurtzbach bridesmaid ni Pauleen; Wally, Jose, Paolo groomsmen ni Vic

Ervin Santiago January 08, 2016 - 03:00 AM
VIC SOTTO, PAULEEN LUNA AT PIA WURTZBACH

VIC SOTTO, PAULEEN LUNA AT PIA WURTZBACH

MABILIS kumalat sa social media ang balita tungkol sa listahan ng entourage sa kasal nina Pauleen Luna at Vic Sotto.

Balitang pumayag sina Bossing at Poleng na ilathala ang ilan sa mga pangalan na makakasama nila sa kanilang wedding na magaganap nga bago matapos ang buwan.

Nagsimula na kasing ipamigay nina Vic at Pauleen ang mga formal invitation sa kanilang kasal at base nga rito, magiging star-studded ang magaganap na kasalan.

Kumpirmado nang isa sa tatayong bridesmaid ni Poleng ay ang kanyang bestie na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Nakatakdang bumalik sa bansa si Pia sa Jan. 23 para sa kanyang grand homecoming.
Kabilang naman sa Principal Sponsors sina Sen. Tito Sotto, Tony Tuviera at asawang si Madeleine at Joey de Leon.

Ang kasamahan naman nina Vic at Poleng sa Eat Bulaga na si Ruby Rodriguez ang magsisilbing Matron of Honor habang si Franchesca Que ang Maid of Honor. Ang anak naman ni Vic kay Coney Reyes na si Vico Sotto ang tatayong Best Man.

Makakasama ni Pia bilang bridesmaids sina Anne Margaret Luna, Leah Camille Agcaoili at Mara Isabel Sotto, habang tatayong groomsmen ang mga kapatid ni Bossing na sina Val at Maru Sotto kasama ang mga dabarkads na sina Anjo Yllana, Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

Veil Sponsors naman ang anak ni Vic kay Dina Bonnevie na si Danica Sotto at asawang si Marc Pingris, habang na-assign naman sa Cord ang mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa.

Ring Bearer ang anak nina Danica at Marc na si Jean Michel Pingris; Coin Bearer ang anak nina Oyo at Kristine na si Kristian Daniel Sotto; Bible Bearer ang apo ni Tito Sen na si Alessandro Jose Sotto at Rosary Bearer naman si Marciano Dominico Antonio.

Kabilang naman sa Flower Girls sina Ryzza Mae Dizon, Anielle Micaela Pingris (anak din nina Danica at Marc), Ondrea Bliss Sotto (anak nina Oyo at Kristine) at Ellenor Rose Lagrio.

Ang eksaktong petsa ng kasal nina Bossing at Pauleen ay ia-announce sa Eat Bulaga.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending