Misis ni Aiza ipapa-rape ng Basher


liza dino

BINASTOS sina Aiza Seguera at Liza Dino dahil sa sinabi ni Aiza na gusto niyang magka-baby through in vitro fertilization. Mostly, ang comments sa plano niyang magka-baby ay puro kabastusan.

“Egg cell plus egg cell equals baby? Ako na lang titira kay Liza. Volunteer ako,” said one basher.
“Nice one. Masasarapan pa,” wailed another guy.

On her Twitter account ay naglabas ng hinaing si Liza, “Aiza had a presscon this morning for his new show Born To Be a Star and our plans to undergo IVF soon was mentioned.

And every time something like this comes up, naglalabasan ang lahat ng mga homophobic at nagpipiyesta sa mga negative comments kasama ng mga self righteous na may mga baong bible quotations.

“Tao lang ako at oo, binabasa ko ang mga comments nila. Dati umiiyak ako, lalo pag below the belt na ang mga sinasabi – yung tipong ipapa-rape nila kami o kaya titirahin nila ko para makatikim daw ako ng lalaki — but napansin ko today…hindi na ‘ko ganon kaapektado.

Masakit pa rin yung iba pero mas natatawa ako sa mga sinasabi nila. “January 8 marks our first wedding anniversary dito sa Pilipinas. Maraming nangyari at marami kaming pinagdaanang mag-asawa para sa hangarin naming mamuhay ng normal katulad ng iba.

I have evolved and matured as a human being. Mas naging compassionate ako at bukas sa pananaw ng iba. “Natuto akong maging assertive kesa maging defensive pagdating sa mga ganitong usapin.

But at the same time, mas lalo kong nakita ang kahalagahan ng ginawa namin para kilalanin ang karapatan ng mga LGBT dito sa Pilipinas. Nakakalungkot isipin how ‘religion’ can lead to hatred, animosity and discrimination when our spirituality is supposed to enhance our lives and make us better persons,” litanya ni Liza.

“Tsk tsk. 2016 na. Walang mawawala sa ‘yo kung rerespetuhin mo ang karapatan ng bawat isa. Very ill mannered. Masarapan pa? I wonder how they’d feel if they see comments like that referring to their own wives or daughters.

Minsan mga tao nakakalimot na babae ang pinanggalingan nila at may mga babae silang mahal sa buhay. Please sana wag na kayo mag breed mga walang modo,” reaction ng isang fan ng dalawa.

“They are legally married in the US at kahit na immoral ang dating pagdating sa Pilipinas, PAREPAREHAS NAMAN TAYONG MGA TAO. Ang respeto sa kapwa ay walang kinikilalang lahi o constitution. Nakakairita ung mga taong bastos,” comment naman ng isa pa.

Read more...