Kasalang Cristine-Ali tuloy na sa Jan. 27

cristine reyes

Wala nang makapipigil sa kasalan nina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa darating na Jan. 27 sa Balesin Island sa Quezon. Ito ang kinumpirma ng dating Kapamilya sexy actress sa presscon ng latest movie niyang “Lumayo Ka Nga Sa Akin” under Vivba Films and Heaven’s Best Entertainment.

Sey ni Cristine, very intimate lang ang magaganap na wedding dahil, “Ako lang, si Ali, witness and ‘yung pastor. Kasi ano lang siya talaga, para ma-legalize namin at ma-bless yung pagsasama namin. Pero magkakaroon pa rin kami ng another wedding, later on, when everything is settled na.

Kasi right now, ang daming nasa plate namin ngayon ni Ali, work, si Amarah (anak nila), new house, everything, ang dami.” Inamin din ni Cristine na grabe ang pagiging selosa niya. “Sige, hindi ko ide-deny na selosa ako talaga, selosang selosang selosa ako.

Feeling ko lang meron akong radar, kapag alam kong may type ‘to kay Ali, at sa may hindi, instinct, ganoon,” chika ng hot mama sa panayam ng Tonight With Boy Abunda. Kinukompronta ba niya si Ali pag nagseselos siya, “Sinasabi ko lang sa kanya in passing, sasabihin naman niya, ‘Wala yun, di yun, may boyfriend yun,’ ganoon.

Well, wala naman masyadong kaibigan si Ali na babae. Kung may kaibigan siyang babae, asawa ng kaibigan niya, (kaibigan ko rin).” Samantala, siniguro naman ni Cristine na hindi sila mapapahiya sa mga tao kapag pinanood nila ang “Lumayo Ka Nga Sa Akin” na isang trilogy showing na on Jan. 13 nationwide.

Makakasama ni Cristine sa third episode ng movie (Asawa Ni Marie) sina Antoinette Taus, Jayson Gainza at Paolo Ballesteros sa direksiyon ni Chris Martinez. Isa itong drama-comedy. “Promise, tatawa lang kayo nang tatawa pag napanood n’yo ang movie namin.

Good vibes lang. Hindi sila malulugi sa ibabayad nila sa sinehan. Ibang-ibang comedy film ito, ibang level siya talaga,” chika ni Cristine. Ang dalawa pang episode ng “Lumayo Ka Nga Sa Akin” ay ang “Bala Sa Bala, Kamao Sa Kamao, Satsat Sa Satsat” nina Benjie Paras at Candy Pangilinan directed by Mark Meily; at “Shake, Shaker, Shakest” nina Maricel Soriano at Herbert Bautista na idinirek naman ni Andoy Ranay. Ito’y hango sa bestselling novel ng sikat na sikat na si Bob Ong..

Read more...