70-anyos hinalay, pinatay; 21-anyos dakip


Dinakip ng mga otoridad ang 21-anyos na lalaki na umano’y humalay at pumatay sa 70-anyos na babae sa Can-avid, Eastern Samar, ayon sa pulisya.

Nadakip ang suspek na si Melchor Adel dakong alas-6 ng gabi Sabado sa Brgy. 1 ng katabing bayan ng Maslog, ayon sa ulat ng Eastern Visayas regional police.

Dinampot si Adel matapos lumabas sa imbestigasyon na siya ang pumatay at humalay sa 70-anyos na si Rosie Abilong, residente ng Brgy. Rawis.

Natagpuan ang matandang babae na walang saplot, nakagapos, at nabubulok na sa isang bakanteng lote ng naturang barangay noong Bisperas ng Bagong Taon.

Sinabi ng kanyang anak sa pulisya na bago iyo’y tatlong araw nang nawawala ang matanda.

Nakaditine ngayon si Adel sa Can-avid Police Station at nasampahan na ng kaukulang kaso.

Read more...