Anak inutas ng ama | Bandera

Anak inutas ng ama

John Roson - January 05, 2016 - 04:12 PM

masbate
Patay ang isang habal-habal driver nang pagbabarilin ng kanyang ama sa tapat ng isang sementeryo sa Mandaon, Masbate, iniulat ng pulisya kahapon.

Ikinasawi ni Leo Danao, 28, ang mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Masbate provincial police.

Naganap ang pamamaril dakong alas-6 ng umaga Linggo, habang minamaneho ni Danao ang kanyang motorsiklo sa tapat ng sementeryong nasa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Cabitan.

Pauwi si Danao mula sa Mandaon proper nang harangin ng amang si Danilo.

Kasunod noo’y nagtalo ang mag-ama, hanggang sa bumunot ng baril at pinaputukan ni Danilo ang anak, ayon sa pulisya.

Dinala pa ang nakababatang Danao sa Mandaon Community Medicare Hospital, ngunit di na umabot nang buhay.

Natagpuan ng mga rumespondeng pulis sa crime scene ang isang basyo ng kalibre-.45 pistola.

Inaalam pa ang kinaroroonan ng suspek, na agad tumakas dala ang baril na ginamit, matapos ang insidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending