P100M jackpot sa Grand Lotto nakaabang na

INAASAHANG aabot sa P100 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola nito Miyerkules ng gabi, Enero 6.
     Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumaya sa mga lumabas na numerong 33-55-30-13-31-10 sa bola noong Lunes ng gabi.
     Umabot sa P92 milyon ang jackpot prize sa naturang bola. Kalimitan na mas maraming tumataya ng lotto kapag malaki na ang jackpot prize nito.
     Nanalo naman ng tig-P89,350 ang 13 mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas. Tig-P1,090 naman ang 849 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 16,753 mananaya na nakatatlong numero.
     Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...