Peque Gallaga kinampihan ang 2 ekstra laban kay Direk Cathy

peque gallaga

Kinampihan diumano ng veteran direktor na si Peque Gallaga ang nagreklamong extra at propesor na si Alvin Campomanes laban kay Cathy Garcia-Molina.

Inakusahan kasi ni Alvin at ng kanyang girlfriend na si Rossellyn Domingo si direk Cathy ng verbal abuse sa taping noon ng seryeng Forevermore ng ABS-CBN.

Todo ang pasalamat ni Alvin kay direk Peque dahil sa pagtatanggol nito sa kanya, “Ngayon ko lamang nakita ito. Maraming salamat po, Direk Peque Gallaga!” ani Alvin sa kanyang Facebook post.

Mismong ang talent at propesor din ang nag-share sa sinasabing Instagram post ni direk Peque gamit ang IG user na Nelson Bakunawa. Narito ang sinasabing mensahe ni direk Peque, “Sharing.

Let the power of social media unearth these pathological bullies. And, of course, ABS CBN didn’t lift a finger to help, or to even address the issue.”

Kung matatandaan, kumalat sa social media ang open letter ni Rossellyn na nagsabing nilait at minura raw siya ni direk Cathy habang ginagawa nila noon ang Forevermore kung saan gumanap silang magdyowa bilang sina Celia at Makoy.

Hanggang ngayon ay wala pang official statement si ang Kapamilya box-office director tungkol sa issue.

Read more...