Bea, Zanjoe kanya-kanyang trip nu’ng holiday pero hindi pa raw naghiwalay

zanjoe marudo

“Sino nagsulat at saan lumabas?” Ang tanong sa amin ng taong malapit kina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo nang may magsabi raw sa kanya na hiwalay na ang dalawa.

Wala kasi sa bansa ang taong kausap namin kaya hindi niya alam ang isyung hiwalay na sina Bea at Z (tawag kay Zanjoe), pero base sa pagkakaalam niya ay hindi naman daw.

Binanggit namin na pina-follow namin si Zanjoe sa Instagram at pawang solo pictures nga niya ang naka-post sa account niya. Pansin nga rin namin na hindi sila magkasama ng aktres noong Bagong Taon at mga kaibigan ng aktor ang kasama niya.

Sinabi namin ito sa taong malapit sa dalawa, “Oo, hindi makaalis kasi si Bea dahil marami silang family reunions. Hindi ko pa nakakausap ‘yung dalawa kasi nagbakasyon din ako, pagbalik ni Zanjoe, ask ko sila.”

Samantala, sinilip namin ang IG account ni Bea kung may mga post siya tungkol sa sitwasyon nila ni Zanjoe, pero wala naman. Pasasaan ba’t la-labas din naman ang totoo kung hiwalay na sila o hindi pa.

Read more...