Ipinababalik ng Sandiganbayan Second Division sa gobyerno ang may P511.12 milyong ari-arian ng pamilya Marcos at Lim kaugnay ng 533,00 hektarya ng kakahuyan.
Naglabas ng desisyon ang korte sa Civil Case no. 0030 na inihain ng Presidential Commission on Good Government noong 1987.
Ibinasura naman ng korte ang hiling ng PCGG na pagbayarin ng danyos ang mga akusado sa kaso.
Ang orihinal na kaso ay isinampa laban kay Alfonso Lim Sr., Alfonso Lim Jr., Environment Minister Teodoro Peña, dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Marcos.
Inabsuwelto sa kaso si Pena dahil sa kawalan ng ebidensya.
Ang mga kinumpiskang ari-arian ay ang mga lupain sa Cagayan, Maynila, Tagaytay, Batangas, at Rizal. Noong 2006, ang halaga ng mga ari-ariang ito ay P511.12 milyon.
Ibinigay din sa gobyerno ang dalawang Cessna plane na hindi na nakalipad mula noong 1994 at ilan pang ari-arian ng mga Lim.
Ang kaso ay nag-ugat sa pagpayag umano ni Marcos na makapamutol ng kahoy ang kompanya ni Alfonso Sr., sa 533 hektarya ng lupa kahit na ang pinapayagan lamang ng batas ay 100 hektarya.
Ill-gotten wealth ng Marcos, crony ipinababalik sa gobyerno
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...