Pauleen, Vic patutunayan sa buong mundo na may ‘Forever’

vic sotto

 

MASAGANANG 2016 ang naghihintay sa Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas pag-uwi niya ng Pilipinas on Jan. 6. Patuloy pa rin kasi sa paghakot ng pera sa takilya ang pelikula niyang “My Bebe Love” with Vic Sotto, Maine Mendoza at Alden Richards.

Bukod sa pagiging bida ng “My Bebe Love,” isa rin si Ai Ai sa mga producers ng top grossing film ng 2016 MMFF. Bagaman hindi na bagong experience sa kanya ang pagiging number one ng movie niya sa MMFF, lagi pa rin siyang excited every time may movie siya na kasali tuwing Pasko.

Umalis ng bansa si Ai Ai noong Pasko kasama ang kanyang mga anak na sina Sophia at Sancho plus of course, ang boyfriend niya na si Gerald Sibayan. Pero bago siya umalis ay nagkaroon muna kami ng chance na makatsikahan siya over late lunch after her Sunday Pinasaya sa GMA 7.

Pagbalik ni Ai Ai haharapin na niya ang sunud-sunod na meetings with her new movie and TV projects. Una na ang pelikula niya under Regal Films na intended for Mother’s Day celebration.

Ginagawa pa lang daw ang script pero hindi pa ito ‘yung project na pagsasamahan ulit nila ni Direk Wenn Deramas sa Regal. “Sa GMA naman, alam ko may soap ulit ako, e. Pero ginagawa pa, drama-comedy,” tsika ni Ai Ai.

Then, baka gumawa raw ulit siya ng indie movie. Merong sinasabi sa kanya na kwento si Direk Louie Ignacio na pumayag siyang gawin, “Parang remake ng ‘Insiang.’ Pero may twist, parang pokpok, ganoon. Pero drama, pang-Cannes. Pang-kanto, charot!”

Napanood na namin ang ilan sa mga MMFF entries kabilang na ang “My Bebe Love”, “Beauty and the Bestie,” “All You Need is Pagibig” at “Honor Thy Father.”

In fairness, tama si Direk Wenn Deramas when he said na huwag balewalain ang tandem nina Vic at Ai Ai sa movie nila at huwag itodo buhos ang credit sa loveteam ng AlDub. Grabe ang batuhan ng linya nina Vic at Ai Ai sa movie na siyang dahilan talaga kung bakit nagtatawanan ang mga tao sa sinehan.

Gaya ng sabi ni Ai Ai, “Ah, different love story ito…. light. Lalabas ka ng sinehan na nakangiti ka at saka tumatawa ka kasi nakakatawa kami ni Bossing diyan.”

Ngayon lang nangyari sa Philippine cinema na ang isang Comedy King ay napartneran ng isang equally-talented female version niya na kabatuhan at pantay ang role sa pelikula, “Oo nga,” sabi ni Ai Ai. “Noong kay Tito Dolphy wala siyang ka-match na queen na kaedad niya. Wala siyang Comedy Queen.”

Bukod sa on-screen chemistry nina Vic at Ai Ai, naging mag-best friends na rin sila off-cam. Unexpected for Ai Ai na magbu-bloom ang magandang friendship sa kanila ni Vic.

“Hindi talaga although idol ko ‘yan kahit dati pa. Alam mo ba noong araw nauutal-utal pa ako diyan noong una ko siyang nakasama. Natatakot ako. ‘Ah, hello po, Bosing. Kumusta po?’ Hangang sa nakuha ko ‘yung kiliti niya,” lahad pa niya.

Binuking ni Ai Ai na ang respeto raw ang nahuli niyang kiliti ni Vic, “Respeto lang sa kanya, syempre. Ayaw niya ‘yung padarag-darag, hindi pwede ‘yun. Gusto niya magalang sa kanya. In every senior star naman dapat talaga ganoon, magalang ka. Kasi kung hindi, nganga.”

And since super friends sila ni Vic ngayon we asked her kung may special role rin ba siya sa wedding nito with Pauleen Luna, “Wala, pero pupunta ako as a friend, special friend,” sambit niya.

Hindi raw nakitaan ni Ai Ai si Vic nang pagkabalisa habang nagsu-shooting sila ng “My Bebe Love” at the same time nagpe-prepare for his wedding, “Hindi, relax lang siya.” Heto naman ang wish niya kay Vic for his wedding, “Papatunayan nila na age is just a number at may forever.”

Kung si Vic magpapakasal na ulit, tinanong din namin si Ai Ai kung kailan naman sila ni Gerald, “Sa tamang panahon. Hindi pa graduate. Konti na lang. Sabi nga sa kanya (sabay turo niya kay Ge-rald) ni Bossing, ‘O, Gerald, ano pa ang hinihintay mo?’ Paborito kasi ni Bossing ‘yan, e.

Mabait daw kasi.” Sagot ni Gerald kay Vic, “Hindi pa po graduate,l.’ Ha-hahaha! At saka ‘yung isa pa, mas importante ‘yun. Wala pang ipon.”

 

Read more...