Suwerteng negosyo ngayong 2016
Sulat mula kay Narding ng Bulak, Gapan, Nueva Ecija Dear Sir Greenfield, Ako po ay may kaun-ting puhunang naitatabi kasi dati akong nagsi-seaman. Sa ngayon po ay ba-lak namin ng misis ko na magnegosyo, ang kaso nga lang ay hindi naman alam kung ano ba ang mapalad na negosyo sa aming mag-asawa. Isinilang po ako nuong August 5, 1975 at ang misis ko naman ay isinilang nuong December 14, 1977. Ano po ba ang negosyong dapat naming simulan sa taong ito ng 2016 na sa amin ay magpapayaman? Umaasa, Narding ng Nueva Ecija Solusyon/Analysis: Palmistry: May namataang makapal at malinaw na Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na bukod sa pagsi-seman, susuwertehin nga kayong mag-asawa sa pagnenegosyo. Cartomancy: Five of Diamonds, King of Clubs at Ace of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing bukod sa walang tigil na pagsi-seaman ikaw din ay susuwertehin sa pagnenegoyo, kung saan, ang mga negosyong dapat isa alang-alang sa taong taong ito ng 2016 ay mga produktong ginagamitan ng apoy at init o kaya naman’y grocery. Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
