Polo balik-ABS-CBN, pasok agad sa Ang Probinsyano ni Coco

polo ravales

Makakasama na si Polo Ravales sa nangungunang Primetime Bida series ng ABS-CBN na Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Matagal-tagal ding hindi napanood sa isang regular na soap drama ang aktor kaya todo ang pasasalamat niya sa Dreamscape Entertainment dahil muli siyang magkakaroon ng magandang proyekto na napakataas ng rating.

Gaganap si Polo bilang si Brad na miyembro ng isang sindikato na makakalaban ng grupo ni Coco bilang si Cardo. Sa kanyang Facebook, nag-post si Polo ng litrato kung saan kasama niya ang Teleserye King na si Coco na may caption na: “It was nice to see u again.

Di ka nagbago…U deserve everything.” Bukod dito, ipinost din ni Polo ang mga litratong kuha sa first taping day niya sa serye kasama ang iba pang cast members ng Ang Probinsyano, tulad nina Bela Padilla, Ana Roces, Hanna Ledesma at Dennis Padilla.

Read more...