Sulat mula kay Rachel ng Bularan, Banate, Iloilo
Dear Sir Greenfield,
Nagtataka ako sa aking kapalaran kung bakit parang puro kamalasan ang dinanas ko nitong papaalis na taong ito ng 2015. Nawalan ako ng trabaho at nagkahiwalay pa kami ng boyfriend ko. At napansin ko rin nitong taong ito ng 2015 kahit anong pagsisikap ang gawin ko hindi pa rin ako umuunlad. Pero nag-aaplay naman ako sa ngayon at umaasa na sana next year magbago ng lahat ng kapalaran ko at sana gumanda naman ang love life ko at umunlad kahit konti lang sa career. Ano po ba ang nakikita nyong kapalaran ko sa susunod na taong 2016, susuwertehin na kaya ako? October 13, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Rachel ng Banate, Iloilo
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw kang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad, kaya sa halip na sa mga local companies ka mag-aaplay, sa darating na taong 2016, mas maganda kung susubukan mong mag-aplay sa abroad, mas malamang na matuloy ka at sa ibayong dagat may maganda at positibong kapalaran sa iyo ay naghihintay.
Cartomancy:
Queen of Hearts, King of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaki – may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran sa taong 2016 at sa sandaling nakapag-abroad ka tulad ng nasabi na, tuloy-tuloy ng gaganda ang iyong kapalaran sa career at maging sa pag-ibig man.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.