Dear Uge, Lip Sync Battle bagong pasabog ng GMA sa 2016

By Ervin Santiago January 02,2016
share this

Dear Uge, Lip Sync Battle bagong pasabog ng GMA sa 2016

By Ervin Santiago January 02,2016
share this

eugene domingo

Wala na ngang makakapigil pa sa GMA Network sa paghahatid ng mga de-kalidad na programa sa manonood ngayong bagong taon.

Kasado na nga sa first quarter ng 2016 ang pagsisimula ang iba’t ibang palabas kabilang ang reunion series nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na Wish I May na magsisimula sa Enero 18.

Ayon sa dalawang bagets, mas mature na raw ang role nila rito kaya asahan na ng kanilang fans ang kakaibang Miguel at Bianca sa pagpasok ng Bagong Taon.

Abangan din ang That’s My Amboy na pagbibidahan nina Barbie Forteza at Andre Paras na magsisimula sa Enero 25. In fairness, pagka-tapos na pagkatapos ng afternoon series nilang The Half Sisters ay may follow-up project agad sila sa Kapuso.

Nandiyan din ang seryeng The Abandoned nina Bea Binene at Derrick Monasterio na magsisimulang umere sa Peb. 8; ang Dear Uge to be hosted by Eugene Domingo starting Feb. 14; at ang Lip Sync Battle with Michael V. and Iya Villania as hosts na magsisimula sa Peb. 27.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending