Angelica kay Yaya Dub: Magpapa-picture sana kami, kaso pinagkaguluhan ka na!

angelica panganiban

SIGURADONG labs na labs na ng AlDub Nation ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.
Pagkatapos kasing ipagtanggol ng Pangako Sa ‘Yo star si Maine Mendoza laban sa isang supporter ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz, inamin ni Angelica na gusto rin niyang magkaroon ng selfie picture with Yaya Dub.

Sa kanyang Instagram account, ipinost pa ng aktres ang kanyang na-experience nang magtangka sila ng kanyang kapatid na lapitan si Maine sa isang bahagi ng airport para nga makapagpa-picture sila sa ka-loveteam ni Alden Richards.

Chika ni Angelica, “@mainedcm…Happy New Year po. Nakita ka namin sa airport, mag papa picture sana ko kasama yung sister ko…Kaso sobrang pinagkaguluhan ka.. Pero natuwa naman kapatid ko kasi nakita daw nya shoes at damit mo.”

Ito na ang ikalawang pagkakataon na naging subject ni Angelica sa kanyang social media post ang bida ng kalyeserye ng Eat Bulaga sa GMA 7.

Nu’ng una, talagang pinagsabihan ng Kapamilya leading lady ang isang tagahanga ni John Lloyd na nam-bash sa AlDub loveteam pagkatapos purihin ang kanyang boyfriend sa napakagaling na akting nito sa MMFF 2015 entry na “Honor Thy Father”.

Nag-react din ang nasabing netizen sa pagkakatanggal ng entry nina Lloydie sa Best Picture category ng MMFF, sabay lait sa pelikula nina Alden at Maine na “My Bebe Love”.

Sabi ng basher, “Kahit kailan yang pabebe hinding-hindi mapapantayan ang kalidad nang pag-arte ng iisang JLC! Hindi namn worth panoorin yung movie nila! Ngayon lang kayo sisikat, pero sa susunod hindi na! Walang maidudulot na maganda!”

Ang hirit naman ni Angelica, “We don’t have to hurt other actors and their fans…Respeto po sana sa bawat artista na nagbibigay saya at inspirasyon sa atin.”

Dahil dito, marami sa fans ng AlDub ang pumuri kay Angelica, nagpasalamat pa ang mga ito sa ginawang pagtatanggol kina Alden at Yaya Dub kahit na nga taga-ABS-CBN siya at girlfriend pa ni John Lloyd.

Read more...