Joshua Garcia bibinyagan sa MMK ni Charo | Bandera

Joshua Garcia bibinyagan sa MMK ni Charo

Ervin Santiago - January 02, 2016 - 02:00 AM

joshua

BIBIGYANG-BUHAY ni Joshua Garcia ang kwento ng isang anak at kapatid na handang gawin ang lahat para sa pamilya sa kanyang unang Maalaala Mo Kaya episode ngayong gabi sa ABS-CBN.

Parehong pastor ang ama’t ina ni Pablo (Joshua) na sina Benjamin (Dominic Ochoa) at Rita (Assunta de Rossi), kung kaya’t masaya at kuntento siya sa kanilang buhay kasama ang kanyang mga ka-patid.

Ngunit nagbago ang lahat nang kupkupin nila si Simon (Arjo Atayde). Sa pagdating ni Simon, napansin ni Pablo ang mga kakaibang pangyayari sa kanilang tahanan, kabilang na ang pagbabago ng pakikitungo ni Rita kay Benjamin.

Isang gabi, nagulat na lamang sila nang matagpuang patay si Benjamin – at si Simon ang itinuturong suspek. Nakakita din sila ng mga kagamitang pang-ritwal mula kay Simon at ayon sa mga nakatatanda, ginamit niya ito upang mapaibig si Rita.

Mailigtas pa kaya ni Pablo ang kanyang pamilya mula sa kapahamakan? Matulungan pa kaya ni Pablo ang kanyang ina na kalimutan si Simon?

Tampok din sa New Year’s episode na ito ng MMK episode sina Izzy Canillo, Devon Seron, Celine Lim, Kyline Alcantara, Rhed Bustamante, Gerald Pesigan, Gerard Pizzaras at Dianne Medina. Ito’y sa direksyon ni Raz dela Torre, sa pa-nulat ni Benson Logronio.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending