Kean Cipriano, Chynna Ortaleza ikinasal na
HUMABOL sa 2015 ang magdyowang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza nang magpakasal ang dalawa nitong bisperas ng Bagong Taon.
Inanunsyo ni Kean, na bokalista ng bandang Callalily, at ng kanyang bride na si Chynna na talent naman ng GMA, ang kanilang pag-iisang-dibdib sa kani-kanilang Instagram account.
Kasabay ng kanilang pagbati ng “Happy New Year” sa kani-kanilang mga tagahanga, ipinakita nila ang kanilang mga kamay at daliri na suot ang kanilang wedding ring.
Sa kanilang mensahe, tinukoy ng dalawa ang isang passage mula sa Bibliya tungkol sa pag-ibig.
“Always Love. 1 Corinthians 13: 4-8: Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails,” ayon sa bagong kasal.
“Our love and gratitude to our Cipriano and Ortaleza Families! Happy new year!! God bless you all!” dagdag pa nila.
Binago na rin ni Chynna ang kanyang pangalan sa Instagram; ginawa niya itong Chynna Ortaleza-Cipriano
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
