AlDub fans inaway ng mga tagasuporta nina Vice at Coco

aldub vice

HOW true ang report sa isang Facebook fan page na, “Kahit merong nakuhang awards pila ng pelikulang My Bebe Love: #KiligPaMore sa ikalawang linggo nito sa mga sinehan (SM Manila) nabawasan!”

Yes, ‘yan ang nakalagay sa isang entertainment blog. Naloka nga kami dahil alam namin ay hit naman ang movie na ‘yon, pero bakit binawasan ng sinehan? True kaya ang report na ito about Alden Richards and Maine’s movie?

Anyway, react naman ang mga utaw sa social media sa report na ‘yon. “KAUMAY na kasi siLa. waLa man Lang bago. Ang corni pa ng mga kasama niLa sa peLikuLa. waste of time and money Lang yan,” say ng isang ayaw paawat sa pagtataray.

“Maglibot kaya kayo sa mga malls ng sinehan ng malaman nyo ang totoo. Ako nga nanood sa Megamall ng Beauty and the Bestie ang haba ng pila sa mga ticket booth samantalang sa kabila ay halos wala nang pila.

At nagpunta naman ako kinabukasan sa MOA ganun din wala nang pila sa bebe love pero sa beauty and the beastie ang haba pa rin ng pila. “Kaya kayong mga fan ng aldub ang magising sa katotohanan na wala ng manunuod at iilan na lang ang napila sa Movie nyo,” chika ng isang fan.

Read more...