GMA muling nakauwi

gma2
Muling nakalabas si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa pinagkukulungan nitong ospital at pumunta sa kanyang bahay sa Quezon City.
Ito ang ikalawang yugto ng pag-uwi ni Arroyo sa kanyang bahay sa La Vista Subd., ang una ay noong araw ng Pasko.
Umalis si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center alas-8 ng umaga gaya ng nakasaad sa kautusan ng Korte Suprema.
Ibabalik si Arroyo sa ospital alas-5 ng hapon sa Enero 2.
Si Arroyo ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng anomalya umano sa paggamit ng P366 milyong intelligence and confidential fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office mula 2007 hanggang 2010.

Read more...