Magpartner na politiko nagkakainitan

TOTOO pala ang tsismis.

Matindi ang tampuhan sa pagitan ng magpartner na tumatakbo sa mataas na pwesto para sa 2016 elections.

Sinabi ng ating Cricket na nasa inner circle ng grupo na humihingi ng sariling pondo itong si Politician 2 kay Politician 1.

Ang gusto ni Politician 1 ay pag-isahin ang kanilang mga TV at radio ads para tipid sa budget dahil hindi pa naman nagsisimula ang panahon ng kampanya.

Pero mapilit itong si Politician 2 na kilala rin bilang isang “Political butterfly,” ‘yun bang mahilig magpalipat-lipat ng grupo para lang matiyak ang kaniyang panalo.

May isa pang tawag dito: balimbing na maraming mukha.

Nakarating din sa kampo ni Politician 1 ang ginagawang panliligaw sa ibat-ibang mga negosyante ni Politician 2 nang hindi nagpapa-alam sa kanilang grupo.

Napikon nang todo si Politician 1 nang makarating sa kanyang kaalaman ang ginawang secret meeting sa pagitan ng isang sikat at malakas din na pulitiko at ni Politician 2.

Imbes na magpaliwanag itong si Politician 2 kay politician 1, aba’y deny-to-death pa ito, bagay na lalo pang nagpagalit sa kanyang partner.

May mga tao rin na nakapaligid sa kanilang grupo ang nanggatong pa nang husto kaya lalong uminit ang tensyon sa pagitan ng magpartner.

Sinabi ni Politician 1 na napansin niya na nitong mga nakalipas na araw ay nagiging matanong si Politician 2 sa updates ng mga pumapasok na pondo sa kanilang grupo.

Sa simula pa lamang ay marami na ang nagbigay ng payo kay Politician 1 na mag-ingat sa kanyang ka-tandem dahil tuso ito, lalo na pagdating sa pera, pero hindi siya nakinig.

Hindi rin naman masisisi si Politician 1 dahil masyado siyang nagmamadali sa kanyang ambisyon sa pulitika.

Hindi na natin kailangan ng maraming clue dahil sila na nga po ang tinutukoy natin.
Happy 2016!
Para sa komento at tanong, i-text ang WACKY, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374.

Read more...