Nalunod ang motorsiklo

MADALAS na-ting naririnig sa mga driver kapag may naglalaro na mga bata sa kanilang tricycle na huwag paki-alaman ang selinyador dahil malulunod.
Malulunod? Bakit eh wala namang baha?.
Ang ibig sabihin nito ay sobra-sobrang gasolina ang pumapasok sa makina kaya hindi aandar ang makina ng motorsiklo.
Kapag malabis na pinihit ng paulit-ulit ang selinydor o ‘gas’ (throttle) masyadong mara-ming gas ang pumapasok kaya hindi ito andar.
Yung ibang driver pinababayaan lang ito o pinatutuyo ng ilang oras o araw at pagkatapos ay aandar na ulit.
Hinahayaan nilang mag-evaporate ang gasolina para matuyo ang spark plug.
Pero para sa mga walang oras, o kailangang bumiyahe, may mga paraan para mapaandar ang sasakyan ng hindi kumukonsumo ng mahabang oras.
Dalawa ang kadalasang sanhi kapag ayaw mag-start ng motorsiklo, may problema sa ignition o kaya gasolina.
Kapag masyadong maraming gasolina sa makina ay nalalagyan din ang cylinder wall at nababasa ang spark plug na siyang nagpapasiklab sa gasolina upang ito ay umandar.
Maaari itong ikumpara sa posporo na basa kaya kahit anong kiskis ay hindi sisindi. Pero kung patutuyuin ito ay muling magagamit.
Kaya kung mayroon kang spare na spark plug ay maaari mo itong ipalit sa iyong nalunod na makina.
Tingnan kung ang inalis na spark plug ay basa. Kung hindi baka hindi ito ang problema kaya ayaw mag-start.
Punasan at ibilad ang mga basang spark plug hanggang sa matuyo. May mga gumagamit ng hangin para mas mabilis na mag-evaporate ang spark plug. Huwag sisindihan, may gasolina ito na maaaring lumiyab.
Habang ginagawa ito, pihitin ang gas line u-pang maputol ang suplay ng gasolina at patagilirin ang motorsiklo para tumulo ang napunta sa karburador. Maaari ring punasan ng basahan ang karburador upang matuyo ito.
Bago ilagay ang spark plug, i-kick start ang motorsiklo upang matuyo ang compression cylinder.
Ikabit ang inalis na spark plug, o kaya ang bago kung meron. Kapag nag-start na, tsaka lamang buksan ang gas line. —Leifbilly Begas

Read more...