Makakahanap na ba ng trabaho sa taong 2016?

Sulat mula kay Alelie ng Dr. Meciano Road, Dumaguete City, Negros Oriental
Dear Sir Greenfield,
Almost three years na po akong graduate ng kursong HRM, pero until now ay wala pa rin akong regular na trabaho. Nahihiya na nga po ako sa mga magulang at kapatid ko kasi ang laki-laki ko na at pinatapos na nila ako ng pag-aaral pero until now ay umaasa pa rin ako sa kanila. Ano po ba sa palagay n’yo, makakatagpo na ba ako ng maganda at regular na trabaho sa darating na taong 2016? At ang isa pa, pangarap ko rin pong mag-abroad, sana masuri n’yo rin ang aking palad kung ako po ba ay may travel line. At kung makapag-aabroad, susuwertehin naman kaya ako sa aking pangingibang bansa? September 23, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Alelie ng Negros  Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa i-yong palad. Ibig sabihin, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, may isang mabu-nga at mabiyayang pangi-ngibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Nine of Hearts at Six of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2016, isa-isa nang matutupad ang mga pa-ngarap mo sa buhay, hindi lang regular at magandang trabaho, bubuti at magiging maligaya rin ang love life mo.
Itutuloy

Read more...