Yaya Dub sa napanalunang award sa filmfest: Bakit ako!?

aiai delas alas

Nakuha ng movie nina Ai Ai at Vic Sotto ang Gat Puno J. Villegas Cultural Award at nagwagi pa si Maine Mendoza ng Best Supporting Actress sa kata-tapos na MMFF Award’s Night.

Ang daming violent reaction sa dalawang awards ng pelikula nina Vic at Ai Ai. Halos hindi makapaniwala ang mga tao sa social media na nakuha nila ang dalawang awards na ‘yon.

“Gatpuno Villegas award means Best Film, right? So My Bebe Love ang best film? Seryoso??? Nagjojoke ba sila? Paano nangyari ‘yun? Bakit ganun ang naging desisyon?”

“Ok lng na si Jennylyn Mercado ang Best Actress pero si Maine Mendoza as Best Supporting Actress, isang malaking ULOL!!!” “Spell WALANG KWENTA? #RIPMMFF!” Ilan ‘yan sa mga nabasa naming comments sa isang Facebook fan page site.

Meron pa ngang nag-post ng past Gatpuno Villegas awardees which included “Manila Kingpin”, “Thy Womb”, “10,000 Hours” and “Bonifacio.” Na-bash nang husto si Maine sa social media nang manalo siyang best supporting actress, besting seasoned performers like Meryll Soriano and Nova Villa.

Maraming masasakit na salita ang ipinarating ng netizens kay Maine kaya naman napilitan na siguro siyang magsalita sa kanyang Twitter account. Maging si Maine nga ay taking-taka kung bakit siya nanalo.

Hindi siya naniniwalang deserve niya ang kanyang first acting trophy when she tweeted, “Bago pa ako ibash ng sambayanan, mauuna na ako. Bakit ako? Pero maraming salamat po! Magandang umaga sa lahat!”

Actually, ang dami talagang hindi makapaniwala sa pagkapanalo ni Maine. Although we have not seen the movie yet, hindi rin kami bilib sa desisyon ng MMDA jurors na panalunin si Maine bilang best supporting actress.

Wala naman siyang binatbat sa acting ni Meryll Soriano sa “Honor Thy Father” na lang, ‘no! We felt na nadala siguro ang jurors dahil faney sila ni Maine. They did not consider the complexities of the character played by Meryll.

That said, we felt that hindi lahat ng MMFF jurors ay marunong ng film appreciation.

Read more...