Claudine inilabas sa IG ang love letter ni Rico Yan bago namatay

claudine barretto

Usap-usapan sa social media kahapon ang ipinost ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram account na may kunek sa yumao niyang ex-boyfriend na si Rico Yan.

Inamin ng nakahiwalay na misis ni Raymart Santiago na miss na miss na niya ang dating matinee idol. Isang handwritten letter na sinasabing ibinigay noon ni Rico kay Claudine ang ipinost ng aktres sa kanyang IG, tinag pa niya ito sa kapatid ni Rico na si Tina.

Narito ang laman ng sulat ni Rico kay Claudine: “Just want to thank you for last night. You were wonderful!!! And because of that, I’m sure I’m gonna have a hard time sleeping without you by my side tonight. But nevertheless, I still love you very much!”

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging open ang aktres sa kanyang pagmamahal kay Rico na sumakabilang-buhay noong 2002 dahil sa sakit na acute hemorrhagic pancreatitis. – Djan Magbanua

Read more...