Sa presscon ng bagong advocacy ng movie and theater actress na “One Billion Rising Philippines”, isang malawakang kampanya para masugpo ang mga karahasan sa kababaihan sa buong mundo, sinabi niyang wala na naman siyang dapat katakutan o ikahiya sa kanyang pagkatao.
Actually, aware si Monique na marami nang nakakaalam na siya’y lesbiyana, at nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nakakaintindi sa kanya at sa mga taong hindi siya hinusgahan sa pagiging tomboy niya.
“For all these years, I thank so many people, especially from the press, who respect me for what I am.
I know that many of you know who I am, but the respect you gave is so overwhelming.
I know that is something that I should be proud of. “Being a gay woman is something that I should be proud of being,” paliwanag pa ni Monique.Bakit nga ba bigla siyang umamin ngayon? “Every time I am here naman, ‘yun ang laging tanong sa akin ng ilan.
I just kept quiet about it kasi nga I am here for my art and not because of my being gay.
“Ngayon ko lang inamin publicly kasi nga, ilang taon na ba ako?
May kinatatakutan pa ba ako? This is the right time, I think, that I have to be public about it.
I know that everyone will still respect me for who I really am and what I have contributed to so many people through my helping in different causes, like ito ngang One Billion Rising,” say ni Monique.
Inamin din niya na may karelasyon siya ngayon at 14 years na sila, sa London din ito naka-base tulad niya.
Bukod sa pagpe-perform, nagtuturo rin si Monique sa London ng theater arts.
Nang tanungin kung may balak ba siyang ipakilala ito sa publiko, ang tugon niya, “Yeah, one day!”
Anyway, hinihikayat ni Monique, kasama ang mga kaibigan niya sa iba’t ibang women’s organizations tulad ng Gabriela, ang lahat ng Pinay sa bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo para makilahok sa gaganaping “V-Day” street/dance party sa Feb. 14, 2013 bilang bahagi ng One Billion Rising.
Say ni Monique, napakarami na niyang natutunan at napakarami na rin nilang natulungang mga kababaihan hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa iba pang bahagi ng mundo na mga naging biktima ng karahasan.
Para sa mga interesado, pwede kayong mag-log on sa www.onebillionrising.org.
Maaari n’yo rin silang makontak sa Facebook at Twitter.