Gerald iwas muna sa babae, kakaririn ang itatayong foundation
Bukod sa kanyang showbiz career, maglalaan ng mas maraming panahon si Gerald Anderson sa itatayo niyang foundation sa 2016. Mas gusto ng Kapamilya actor na mag-focus sa pagtulong sa a-ting mga kababayan na na-nga-ngailangan ng kanyang oras.
“Hopefully mas successful kasi ang dami kong mga plano din for myself, you know, ‘yung foundation ko and everything else and career wise ang daming roles ang gusto kong gampanan so sana sa simula pa lang ng taon magawa ko na ang lahat ng ‘yun,” pahayag ni Gerald sa interview ng ABS-CBN.
Nu’ng huli rin naming nakausap si Gerald sinabi niyang kakaririn niya next year ang kanyang Gerald Anderson Foundation, feeling daw niya ito na ang tamang panahon para ibalik ang lahat ng natatanggap niyang blessings sa kanyang kapwa.
Tungkol naman sa kanyang pagiging aktor, mas gusto raw niyang gumawa ng mga action-drama series o pelikula. “This time mas ano ako sa combination ng action at drama, ‘yun talaga ‘yung gusto ko eh, kumbaga ‘yon ‘yung forte ko.
Siyempre kahit ano kung maganda po ‘yung istorya and role ko malaman siya o malalim and alam kong maraming mai-inspire, I would love to do it,” pahayag ni Gerald. Dadgag pa ng Kapamilya hunk actor, “Ang dami pang roles na hindi ko nagagawa eh ang dami pang varieties so I’m really excited for 2016 kasi nangako ako sa sarili ko na I will really do roles na sobrang excited ako, I want to do roles na macha-challenge ako and mahihirapan ako kasi that’s the only way na it becomes great.”
At kung bibigyan siya ng chance na makapamili kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa susunod niyang proyekto, “Gusto ko rin makasama si Piolo (Pascual), gusto ko rin makasama si John Lloyd (Cruz), of course so maraming actors who I look up to and sana when their careers are finished and kung nadito pa ako I would love to continue the road na iniwan nila para sa mas bata.”
At sa tanong kung handa na ba siyang magka-lovelife o makipag-date uli after nilang maghiwalay ni Maja Salvador, “No… so yun, no,” ang maikli at nakangiting sagot ni Gerald.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

