Angel mahigit 1 taon pinagpapahinga ng doktor matapos operahan

By Reggee Bonoan December 28,2015
share this

Angel mahigit 1 taon pinagpapahinga ng doktor matapos operahan

By Reggee Bonoan December 28,2015
share this

angel locsin

Speechless kami bossing Ervin habang pinapanood namin ang teaser ng “Darna 2016” na akala namin ay bagong pelikula na naman ng Artikulo Uno na gumawa ng “Heneral Luna” dahil temang “bayani” ang mga eksena.

Hanggang sa may ipinakitang babaeng nakatalikod na nakatakip ang mukha, at nang ipakita ang mga nabasag na salamin, may bumubulwak na apoy sa bundok at naging kulay pula ang suot ng babaeng bida ay iisa ang sabi ng mga nasa loob ng sinehan, “Ay Darna pala!”

Sabay lipad ni Darna na parang si Superman na halos umapoy pa sa bilis at saka ipinakita ang “Darna, Star Cinema 2016.” Iisa ang sabi ng lahat, si Angel Locsin pa rin ang gusto nilang maging Darna.

Ngunit gustuhin man ng lahat, pero hindi na talaga si Angel ang bibida sa “Darna” movie dahil mahabang panahon ang kakailanganin niya para magpahinga.

Base sa kuwento ng a-ming source ay ni-laser ang likod ng aktres at may apat na tusok iyon at mabilis lang ang proseso kaya hindi na binuksan ang likod niya.

Ilang araw lang si Angel sa Singapore at nakabalik na agad sabay lipad nila ng boyfriend na si Luis Manzano patungong Las Vegas, USA.

Nakakakilos at nakakalakad naman na ang aktres after the laser operation. “Kaya nakabiyahe naman sila ni Luis sa Las Vegas kasi okay naman siya, may go signal naman from her doctor, ‘yun nga lang, need to rest most of the time, hindi puwedeng bigla-bigla,” sabi ng aming source.

Nabanggit pa raw ni Angel sa kanyang doktor na kailangan niyang gumaling kaagad dahil may pelikula siyang gagawin na kailangan ng pisikalan. “But her doctors say, ‘you have to rest more than a year, a year is not enough.’ So imposibleng siya pa rin ang Darna,” sabi pa sa amin ng source.

Pero ang sabi amin kailangan pa rin ng aktres na mag-cameo role sa movie para ipasa ang bato sa bagong gaganap. Nabanggit din ng aming source na hindi pa pala tapos ang shooting ng pelikulang pagsasamahan nina Angel at Batangas Gov. Vilma Santos-Recto dahil may ilang revisions daw sa script.

Nagulat kami dahil akala namin ay tapos na ito dahil early January or February na ito ipalalabas. Tanong namin kung kakayanin ni Angel mag-shoot gayung pinagpapahinga siya, “Kaya nga matatagalan bago ipalabas, hindi na January o February, the least is May para sa Mo-ther’s Day presentation ng Star Cinema.”

At sa last quarter daw ng 2016 ay posibleng matuloy na ang shooting naman nina Angel at Coco Martin sa unang pelikulang pagtatambalan nila.

q q q
Speaking of “Darna 2016″, mukhang si Liza Soberano na raw ang gaganap dito. Pero may mga nagsasabing bata pa raw ang dalaga para sa role at baka hindi pa pumayag na magsuot ng Darna costume.
Sabi ng aming source, “Nu’ng una ayaw, pero balita ko nagte-training na si Liza kaya nga nakita mo hindi siya visible ngayon?” Hirit namin kaya nawawala si Liza ay dahil nagte-taping ito para sa bagong soap drama nila ni Enrique Gil.
Sagot niya sa amin, “Kasabay ng training din niya ang taping.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending