Vice: Deserve nating lahat ang magandang pelikula ngayong Pasko!

vice ganda

Todo pasalamat si Vice Ganda sa lahat ng nanood ng “Beauty And The Bestie,” na entry sa 2015 Metro Manila Film Festival.

“Nakakatuwa lang talaga na napakaganda ng mga review at feedback na nakukuha ng [Beauty and the Bestie]! Ma-liban sa kita ang sarap ding mapuri,” sey ng TV host-comedian sa kanyang Instagram account.

Sa record ng MMFF, isa ang “Beauty And The Bestie” sa top 4 box-office earners noong opening day ng taunang filmfest.

Ang tatlong iba pa na nasa top 4 ng labanan sa takilya ay ang “My Bebe Love,” “All You Need Is Pag-Ibig,” at “Haunted Mansion.”

“Maraming salamat po sa mga positibo nyong chika about [Beauty and the Bestie]! Deserve nating lahat ang magandang pelikula,” ang chika pa ni Vice.

 

Read more...