Kung ang papipiliin ay ang mga taong nakapanood na ng lahat ng mga pelikulang kasali sa 2015 MMFF, si Jericho Rosales ang gusto nilang manalong Best Actor.
Napakagaling daw kasi nito sa “#Walang Forever” kung saan kasama nito si Jennylyn Mercado.
Hindi raw matatawaran ang akting nina Cesar Montano sa “Nilalang” pati na rin ni John Lloyd Cruz sa “Honor Thy Father,” pero si Jericho raw ang deserving magwagi.
Sa unang interview kay Lloydie sinabi nitong bonus na lang kapag nanalo siyang best actor. “Hindi ko alam malalaman natin yan kung papalarin or kung yan ang mangyayari tingnan natin kasi mahirap umasa mahirap mag expect kung mangyayari maraming maraming salamat kung hindi naman, hindi naman yan ang essence ng MMFF season, gusto lang namin ibalik ang essence ng sining sa pelikula at sa mga tumatangkilik nito.”
Sey naman ni Cesar, “Naku hindi ko muna iniisip yan at ayoko mag expect basta ako masaya ako na kasali ako ulit sa MMFF.” Ang chika naman ni Echo sa mga nagsasabing siya dapat ang manalo, “Wala ako expectation sa mga ganyan sa mga best actor awards dahil kalaban ko yan eh kapag nagtrabaho ako basta ibinibigay ko ang best ko and sana magustuhan ng mga manonood ang pelikula namin.”
Kagabi ginanap ang MMFF Awards night sa Kia Theater sa Cubao kaya I’m sure alam n’yo na kung sinu-sino ang mga nanalo.