Miss Bulgaria tinawag na ‘Bestie of the Year’ sa 2015 Miss U

miss bulgaria

Na-touch si Miss Bulgaria Radostina Todorova sa mga papuri at mga magagandang komento ng mga Pinoy netizen matapos nitong suportahan ang pagkapanalo ni Pia Alonzo Wurtzbach sa katatapos lang na Miss Universe 2015.

Tinatawag ngayong Bestie of the Year sa 2015 Miss Universe ang kandidata ng Bulgaria dahil sa ginawa nitong pagsuporta sa ating Pinay bet.

Ang simpleng pag-alalay ni Miss Bulgaria kay Pia sa stage nang i-announce na siya ang tunay na winner ay umani ng positibong feedback sa social media kaya naman tuwang-tuwa ang beauty queen mula sa Bulgaria.

Maraming memes ang kumalat sa internet gamit ang litrato nina Pia at Todorova kung saan makikita ang pagmuwestra ni Miss Bulgaria gamit ang kanyang mga kamay na nagsasabing pumagitna na si Pia sa stage para kunin ang kanyang korona at sash bilang bagong Miss Universe.

“There’s always that one friend who pushes you, to stand up for that dream!” ang inilagay na mensahe ni Miss Bulgaria sa ipinost niyang picture. Sinabi rin niyang love na love niya si Miss Philippines.

 

Read more...