Wala pang baby | Bandera

Wala pang baby

Joseph Greenfield - December 26, 2015 - 03:00 AM

 

Sulat mula kay Kyle ng Calagundina, Mati, Davao Oriental Dear Sir Greenfield,

Sa loob ng limang taong pagsasama namin ng mister ko maayos at masaya naman kami sana, ang problema nga lang until now wala pa rin kaming anak. Nasa Saudi po siya ngayon pero uuwi na rin siya sa darating na June or July. Itatanong ko lang po kung magkaka-baby na po ba kami ngayong taong ito at kung magkaka-baby na kami kailan po kaya ito mangyayari? Gusto ko rin pong malaman kung babae po ba o lalaki ang unang magiging baby namin? October 4, 1983 ang birthday ko.

Umaasa, Kayle ng Davao  Oriental Solusyon/Analysis: Palmistry: May malinaw namang dalawang Children Lines o Guhit ng Supling (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Tanda na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, wag kang mag alala, basta’t wag ka lang mawawalan ng pag-asa, siguradong magkaka-baby din kayo ng dalawa pa.

Cartomancy: Six of Hearts, Two of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa darating na buwan ng Hunyo tiyak ang magaganap – mabubuntis ka, upang paglipas ng siyam na buwan, isang babaing sanggol ang isisilang.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending