IPINAGDIWANG ni Pangulong Aquino ang kanyang huling Pasko bilang pangulo ng bansa sa Bahay Pangarap, kasama ang kanyang mga kapatid, mga pamangkin at mga bayaw.
Sa kanyang Instagram, ipinost ng bunsong kapatid ni Aquino na si Kris Aquino ang kuha ng litrato ng kanilang pamilya habang ipinagdiriwang ang Pasko sa Malacanang na may hashtag na “#withlovekrisaquinoMaligayang Pasko. #Love #Family 💛”
Makikita sa litrato si Aquino kasama ang mga kapatid, pamangkin at kanyang mga bayaw.
Ito na ang huling Pasko ni Aquino sa Bahay Pangarap sa harap naman ng pagtatapos ng kanyang termino sa Hunyo 2016.
MOST READ
LATEST STORIES