Pumalo na sa mahigit P5 bilyon ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyong “Nona” sa iba-ibang bahagi ng Luzon at Visayas, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Nakapagtala na ng P3.105 bilyon pinsala sa agrikultura at P2.127 bilyon pinsala imprastruktura, ayon sa ulat ng NDRRMC kahapon.
Umabot naman sa 246,780 ang bilang ng mga nasirang bahay, kung saan 88,118 ang nawasak at 158,662 ang bahagyang napinsala.
Batay pa sa tala ng NDRRMC, nasa 42 pa lang ang bilang ng mga nasawi sa bagyo, pero lumalabas sa ulat mula sa mga lalawigan na mahigit 50 na ang mga namatay at pinangangambahang tataas pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.