Cabinet Secretary nagkukumahog ‘ayusin’ ang kaso | Bandera

Cabinet Secretary nagkukumahog ‘ayusin’ ang kaso

- December 23, 2015 - 03:00 AM

SANGKATUTAK na mga kaso ang inihahanda ng ilang non-governmental organizations (NGOs) laban sa isang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino.

Naniniwala ang mga kasapi ng ibat-ibang mga NGOs na ito na malaki ang pananagutan sa bayan ng nasabing opisyal lalo na ng pagtakpan nya ang kalokohan ng iba pang mga opisyal na kumita ng malaki sa pondo ng bayan.

Ang grupo nila ang nasa likod ng ilang mga multi-bilyong pisong contract na hindi naman napapakinabangan ng bayan.

Halimbawa na lamang dito ang pinakahuling P4.5 bilyon na 3-year contract na ibinigay nila sa isang South Korean firm.

Ang nasabing kumpanya ang siyang mamamahala sa maintenance ng isang importanteng proyekto ng gobyerno.

Pero nang halukayin ng ating Cricket ang record ng kumpanya, tanging trading at plumbing lamang ang kanilang background at wala silang alam sa kanilang pinasok na kontrata.

Hindi ito ang una dahil minsan na rin daw na naging katuwang sa isang government deal ni Mr. Secretary ang bayaw ng isang makaangyarihang tao sa bansa.

Pero nang sumingaw ang baho ng kanilang proyekto ay kaagad silang gumawa ng paraan para hindi dumami ang involved sa kaso.

Kalaunan, tanging ang isang dating agency head lamang ang kinasuhan sa Ombudsman samantalang si Mr. Secretary ay hindi kasama sa kaso.

Bukod kay Cabinet Secretary, hindi rin umabot ang kaso sa brother- in-law ng makapangyarihang tao.

Ngayong malapit ng matapos ang termino ng Pangulo ay nagkukumahog ang grupo ni Mr. Cabinet Secretary para maitago ang kanilang mga kontrata at mailagay na rin sa safe na lugar ang kanilang mga kinita.

Tiyak na mula sa kanyang libingan ay nagpupuyos ngayon sa galit si Heneral Antonio Luna dahil sa kalokohang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang Cabinet Secretary na ating tinutukoy ay si Sec. E…as in Eng-eng.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending