NAGBABALA si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga drug addict at mga kriminal na huling Pasko na nila ngayon.
Sa isang 30-minuto video, sinabihan ni Duterte ang mga kriminal, mga tiwaling opisyal at mga drug addict, na wakasan na ang pagiging dahilan kung bakit nagiging miserable ang buhay ng mga Pilipino.
“Alam ninyo, ako’y tao lamang. Kaya’t binabati ko pa rin ng Merry Christmas kayong mga durugista, magnanakaw, mga corrupt, mga kriminal at kayong mga nagpapahirap sa mga Pilipino. Kaya kung ayaw ninyong huminto, at patuloy pa rin ang karahasan, ito na ang huli ninyong ‘Merry Christmas,’” sabi ni Duterte.
Nauna nang sinabi ni Duterte na kasama sa kanyang plataporma ang paglaban sa katiwalian, kriminalidad at droga.
MOST READ
LATEST STORIES