Muling nanguna si Vice President Jejomar Binay sa survey na isinagawa ng Pulse Asia matapos idiskuwalipika ng Commission on Elections si Sen. Grace Poe.
Nakakuha si Binay ng 33 porsyento at sinundan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha ng 23 porsyento.
Pangatlo naman si Poe na may 21 porsyento na sinundan ni Mar Roxas na may 17 porsyento.
Pang lima naman si Sen. Miriam Defensor Santiago na nakakuha ng 4 porsyento.
Sa pagkabise presidente ay nakakuha naman si Sen. Francis Escudero na may 29 porsyento at sumunod si Sen. Bongbong Marcos na nakakuha ng 23 porsyento.
Sinundan sila ni Sen. Alan Peter Cayetano na naka 18 porsyento at Camarines Sur Rep. Leni Robredo na naka 14 porsyento. Ang running mate ni Binay na si Sen. Gringo Honasan ay may 9 porsyento.
Sa pagkasenador nanguna naman si Sen. Tito Sotto na may 67.9 porsyento.
Sumunod sina Sen. Ralph Recto (58.9 porsyento), dating Sen. Panfilo Lacson (58.5), dating Sen. Richard Gordon (57), dating Sen. Juan Miguel Zubiri (55.9) at Senate President Franklin Drilon (55.1).
Si dating Sen. Kiko Pangilinan ay pangpito (54.5), Sen. Serge Osmena (49.8 ) dating Justice Sec. Leila de Lima (46.8 ) Sarangani Rep. Manny Pacquiao (40), Sen. TG Guingona (38.6), Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian (36), dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros (35.7).
Pang-14 naman si dating TESDA chief Joel Villanueva (29.4), dating MMDA chief Francis Tolentino (23.5), aktor na si Edu Manzano (22.4), at Leyte Rep. Martin Romualdez (21.6).
Ang survey ay ginawa mula Disyembre 4-11 at kinuha ang opinyon ng 1,800 respondents. May error of margin ito na plus/minus 2.
Reply, Reply All or Forward | More