Sina Mar at Digong ay tao lamang | Bandera

Sina Mar at Digong ay tao lamang

Ramon Tulfo - December 22, 2015 - 03:00 AM

SI dating Interior Secretary Mar Roxas ang nag-umpisa sa hidwaang kanto nila ni Davao City Mayor Rody Duterte na humantong sana sa ba-rilan—kung tinanggap niya ang hamon ni Duterte—nang sabihin niyang hindi totoo na ligtas ang lungsod sa mga krimen at droga.

Nasaktan si Duterte sa tinurang yun ni Roxas dahil inaalagaan niya ang reputasyon ng Davao City gaya ng pag-alaga ng isang lalaki sa dangal ng kanyang esposa.

Ang totoo niyan, ang teritoryo ni Digong—ang palayaw kanto ni Duterte—ang isa sa pinakaligtas na 10 siyudad sa buong mundo.

Oo nga’t nag-over react naman itong si Digong. Nilabag niya ang magandang asal na inaasahan sa isang public official.

Pero masisisi mo ba ang mayor na nagpuhunan ng mahabang panahon, dugo, pawis at luha na mabago ang isang bayolenteng lugar sa isang lugar na ligtas na tirhan?

Hindi magagawa ng isang lider na maselan at matakutin na baguhin ang imahen ng Davao City gaya ng ginawa ni Digong sa kanyang siyudad. ***

Actually, hindi isyu kung nagtapos o hindi si Mar sa Wharton School ng University of Pennsylvania , USA , na sabi ni Digong ay hindi.

Ang isyu ay kung marunong tumanggap si Mar ng panunuya na gaya ng panunuya niya kay Digong.

At kung kilala ko si Digong, na may kanto-boy mentality, ibinalik lang niya kay Mar ang panunukso.

Ipinakita ni Mar ang kanyang tunay na pagkatao—na siya’y isang pikon din—at nakalimutan niya na siya’y graduate ng Wharton at isang miyembro ng buena familia.

Hinamon ni Mar si Digong ng suntukan matapos siyang pagsabihan ng mayor na sasampalin siya dahil sa kanyang panunuya.

Ang hidwaan ay lumala nang hamunin ng mayor ang dating Cabinet member ng ba-rilan. ***

Sinasabi ng mga political pundits na hindi karapat-dapat maging Pangulo si Mar o Digong.

Dapat daw ay disenteng sa pagkilos at pananalita ang isang presidente ng bansa, dagdag pa ng mga poli-tical pundits.

Tama sila: Dapat nga disente sa pananalita at pagkilos ang isang taong gustong maging Pangulo.

Pero sino ang ipapalit mo sa dalawa, si Binay, na maraming kasong graft and corruption?

Oo nga’t disente si Binay sa kanyang pananalita, pero mapagkatiwalaan mo ba siya ng salapi ng bayan?

Kinulembat daw niya, ayon sa mga ulat, ang kaban ng Makati City kung saan siya’y dating mayor.

Sina Mar at Digong, kahit na sila’y hindi di-sente sa kanilang pananalita at pagkilos, ay walang bahid ng graft and corruption.

Mapagkakatiwalaan natin ang dalawa sa kaban ng bayan. ***

Sssssst, halika, may ibubulong ako sa iyo, dear reader.

Nakalimutan na natin na si Manila Mayor Arsenio Lacson ay ma-dumi rin ang bibig at palaaway din gaya nina Digong at Mar.

Lacson was being groomed for the presidency but died before he was to have been nominated.

Namatay si Lacson na isang mahirap. Kung siya’y nagnakaw habang nasa tungkulin, yumaman sana siya.

Matatandaan na ang Maynila ang pinakamaunlad na lungsod sa buong bansa noong panahon ni Lacson bilang mayor. ***

Anong gusto kong ipahiwatig dito?

Na sina Mar at Digong ay tao lamang.

Lalo na si Digong, na hindi lang marumi ang bibig kundi babaero pa! *** Pinapayuhan ng Simbahang Katoliko sa bansa na iboto ang mga lider na may moralidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsitigil nga ka-yong mga pari at obispo! Maraming pari at obispo ang may mga babae at anak.


Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending