Walk of Fame Stars nina Maine at Julie Anne winasak; suspek hinahanting na | Bandera

Walk of Fame Stars nina Maine at Julie Anne winasak; suspek hinahanting na

Alex Brosas - December 22, 2015 - 02:00 AM

yaya dub

PAREHONG galit na galit ang fans nina Maine Mendoza at Julie Anne San Jose dahil may sumira sa Walk Of Fame spot ng dalawang TV personality. Kitang-kita sa pictures na naglabasan sa social media na may lamat ang kanilang Walk of Fame mark. Obvious na obvious na may nanira nito.

Hindi pa malaman kung sino ang nanira o mga nanira sa WOF spot ng dalawa pero obvious naman na may matinding galit ang mga ito. Ang feeling ng mga supporter ni Maine ay fans ni Julie Anne ang nanira ng WOF star ng kanilang idol habang ganu’n din ang iniisip ng mga tagasuporta ni Julie Anne.

Kung matatandaan, nagkasagutan kasi sa social media ang minions ng dalawang girls, talagang ayaw nilang magpatalo sa isa’t isa. Nagkaroon ng spat sina Maine at Julie Anne dahil sa may naglabasang chikang dyowa ni Alden Richards si Julie Anne, bagay na ikinagalit talaga ng fans ni Maine.

Siguradong hinahanting na ng mga organizers ng Walk Of Fame, sa pangunguna ni Kuya Germs kung sino o kung sinu-sino ang nasa likod ng paninira sa “stars” nina Julie Anne at Maine. Kailangang managot sila sa ginawa nila, ‘no!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending