Kris bumalik na ang boses matapos ang 5 araw na walang 'talk' Bandera

Kris bumalik na ang boses matapos ang 5 araw na walang ‘talk’

Alex Brosas |December 21,2015
share this

Kris bumalik na ang boses matapos ang 5 araw na walang ‘talk’

Alex Brosas - December 21, 2015 - 02:00 AM

kris aquino

Naka-recover na si Kris Aquino sa kanyang sakit at mukhang nagkaboses na rin siya. Nakatulong ang five-day bed rest niya para maibalik hindi lang ang kanyang lakas kundi pati na rin ang kanyang boses.

Sa kanyang @withlovekrisaquino Instagram account ay ipinost ni Kris ang photo niya na walang make-up and said she’s “almost healthy”. Isang love guru si Kris sa “All You Need Is Pag-Ibig”, role na bagay naman sa kanya dahil ang dami na niyang lessons na natutuhan when it comes to love.

Of late, Kris dropped hints na baka hindi na siya umibig muli, something which alarmed her followers. Siyempre, ang gusto nila ay makahanap naman si Kris ng lalaking mamahalin siya at ang dalawa niyang anak na sina Bimby at Josh.

Reactions of her fans were varied. One said, “Tama lang idol concentrate kana lang sa dalawa mong anak wala kang swerte sa mga naging karelasyon mo eh…wag kana ma fall inlove again hehehehe.”

“Ok lang idol go ng go malay mo makatagpo ka rin ng karapat dapat pra syo mganda ka nman at mbait at mtlungin pa Merry xmass idol,” say naman ng isa pa.

“Pwede naman yon…pero minsan hirap turuan ang puso…anyway don’t say a word with period, because mr right comes in a right time,” paniwala naman ng isa pang fan ni Kris.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending