JaDine fans naging wild sa concert nina James at Nadine; ilang miyembro ng press natakot sa stampede

james reid

SUMABAY sa trapik at dagsa ng tao sa buong Araneta Center, Cubao, Quezon City ang ginawang free thanksgiving concert ng On The Wings of Love lead stars na sina Nadine Lustre at James Reid na may titulong “Taste Forever Love” na ginanap sa KIA Theater noong Huwebes.

Pasok ang magandang regalong ito ng Jollibee para sa loyal customers nila bago matapos ang 2015. Pinangunahan ng JaDine ang concert kasama ang bandang Juan at marami pang iba.

Halos mapuno ang KIA Theater ng JaDine fans at talagang naging wild na ang audience nu’ng lumabas si James kaya napilitang umalis ang mga katotong nakaupo sa harap ng stage sa takot na magkaroon ng stampede dahil hindi na napi-gilan ng marshalls ang mga nagkakagulong tao.

Bago tinawag si James ay may solong production number muna si Nadine, kinanta nito ang ilan sa mga track sa kanyang self-titled album mula sa Viva Records kasama ang ilang dancers. Nagpa-games din sila ni James kaya sobrang enjoy ang lahat ng dumalo dahil personal nilang nahawakan at na-beso-beso ang kanilang mga idolo.

Mas lalong naging wild ang tao nang ipakita ang ilang eksena nina James at Nadine sa On The Wings of Love kaya lu-mabas muna kami sandali ng teatro dahil sa nakabibinging sigawan.

Isipin mo bossing Ervin, nagsimula ang show ng 8 p.m. at natapos ng 10:30 pero ang taas-taas pa rin ng enery ng JaDine dahil nagawa pa nilang magkaroon ng meet and greet pagkatapos ng show.

Kaya naman pala hangang-hanga ang mga taga-Dreamscape Entertainment pati na rin sina direk Antoinette Jadaone at Jojo Saguin ng OTWOL sa magka-loveteam dahil nga sa propesyonalismo ng mga ito sa trabaho.

 

Read more...