Miguel, Bianca hihingi ng tulong kina Alden at Yaya

bianca umali

HIHINGI ng tulong ang Kapuso loveteam na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali kay Alden Richards para i-promote ang bago nilang teleserye sa GMA 7, ang Wish I May.

Ito ang unang pasabog ng Kapuso network sa pagpasok ng 2016 kaya naman very thankful ang BiGuel loveteam dahil sila na naman ang pambuena-manong handog ng GMA sa Bagong Taon.

Noong Enero, ang serye nilang Once Upon A Kiss ang naging opening salvo ng Siyete na tumagal din nang ilang buwan. Nakachika namin ang dalawang bagets sa pocket presscon ng Wish I May nitong Biyernes, at ayon kay Miguel, medyo mature at malalim ang tema ng bago nilang teleserye kaya tiyak daw na maninibago ang kanilang mga tagasuporta.

At dahil nga kanta ni Alden ang titulo ng kanilang serye ay natanong namin ang magka-loveteam kung hindi pa ba sila nakakatanggap ng pamba-bash mula sa AlDub fans dahil nga inakala nilang ang Pambansang Bae at si Maine Mendoza ang magbibida rito.

Ilang beses nang kinanta ng AlDub ang “Wish I May” at sila rin ang bida sa MTV nito kaya naman marami sa kanilang tagahanga ang umasa na ito na rin ang magiging title ng first teleserye nina Alden at Maine.

Pero sey nina Miguel at Bianca, so far naman daw ay wala pang namba-bash sa kanila, “Wala naman po and sana wala. Siguro kung mag-bash ang AlDub sa amin, ang dami naman!”

Sey naman ni Bianca, sana naman daw ay hindi magalit sa kanila ang milyun-milyong supporters ng AlDub, trabaho lang naman daw ito, “Tsaka kami ni Miguel, super fan din kami ng AlDub.”

Singit naman ni Miguel, kung mabibigyan ng chance gusto niyang makausap si Alden para humingi ng tulong sa promo ng kanilang teleserye na nakatakda nang magsimula sa Jan. 18, 2016, “Kuya Alden, i-promote mo naman kami!”

At dahil nga ang serye nila ang napili ng GMA na maging unang pasabog ng network sa 2016, sey ni Bianca, “Very thankful kasi two years in a row, maganda ang start ng year namin.”

Chika naman ni Miguel, “Thankful po sa GMA dahil binibigyan kami ng ganitong project na minsan lang po maka-encounter ng ganito. Iba ang tiwala nila sa amin at iba ang tiwala namin sa kanila.”

Natanong din ang BiGuel kung payag ba silang magkaroon ng ibang ka-loveteam pagkatapos ng Wish I May? “Mas preferred ko, personally, yung kaming dalawa siyempre. Kasi talagang iba na yung level of comfort and trust bilang co-workers and co-actors.

Pero open pa rin kaming dalawa on being partnered sa ibang actors,” sagot ni Bianca. Para naman kay Miguel, “Mas preferred ko rin si Bianca. Kasi kung ipa-partner ako sa iba, back to zero na naman po.

Ibi-build ang relationship. Tsaka bukod du’n, masaya ako na katrabaho si Bianca kaya preferred ko siya.” Ang Wish I May ang papalit sa afternoon series ng GMA na The Half Sisters na mahigit isang taon na ring umeere.

Makakasama rin dito sina Camille Prats, Alessandra de Rossi, Mark Herras at marami pang iba.
Samantala, tungkol naman sa kanilang personal lives, we asked the two bagets kung may “something” nang namumuo sa pagitan nila dahil kitang-kita namin kung paano nila alagaan at protektahan ang bawat isa.

Sa katunayan, wala silang keber na magsubuan sa harap ng press. Sey ni Miguel, wala pa sa priorities nila ni Bianca ang magseryoso sa lovelife, bukod daw kasi sa bata pa sila, gusto nilang tutukan muna ang kanilang career at siyempre ang kanilang pag-aaral.

Darating at darating naman daw ang tamang panahon para sa seryosong commitment.
\

Read more...