Habang tinatanggap nila ni Pokwang ang trophy nila as Best Comedy Actress (nag-tie kasi sila), talagang lumikot ang mga mata ng mga kalalakihan sa gitnang bahagi ng suot na gown niya.
Kasi nga, yung slit sa bandang gitna ay halos dikit na sa kanyang hiyas.
Ha-hahaha! Iyon daw talaga ang design ng gown ni P-Chi (palayaw ni Rufa Mae). Fiesta kung fiesta sana sila kaya lang wala naman nasilip.
In fairness to P-Chi, bongga ang production number nila ng “Gangnam Style” with Papa Aljur Abrenica, Mark Herras, Rodjun Cruz, Gab Valenciano, Wonder Gays, Bayani Agbayani, Minnie Aguilar at marami pang iba.
Hanep ang dance steps nila with Rufa Mae as the center of attraction.
Ang galing rin talaga ni Papa Mark Herras sa dancefloor – iba ang galaw niya, professional dancer talaga. At ang guwapo-guwapo niya that night.
Si Papa Aljur naman ay sobrang sexy pa rin sa stage.
Makalaglag-panty! Si Gab Valenciano naman looks dirty onstage dahil sa color ng kanyang suot na di nag-compliment sa dark skin niya.
He suffered tuloy in comparison sa mga kasamahan niyang boys sa stage.
Punumpuno ang venue sa dami ng tao and the biggest star that night was no less but the one and only Superstar na si Ms. Nora Aunor. Grabe ang dagundong sa theater mula nu’ng dumating si Mama Guy hanggang sa siya’y umalis.
Patunay lamang na hindi pa ipinapanganak ang papalit sa trono niya.
And for me, the best dressed amongst all the male celebrities that night was Laguna Gov. ER Ejercito.
Ang guwapo-guwapo niya in the company of his very beautiful wife, Pagsanjan Mayor Maita Ejercito who wore a beautiful gown by Bing Cristobal. Gov. ER looked very young and delicious nu’ng gabing iyon.
Parang high school boy with a hairstyle that looked very Gen. Emilio Aguinaldo, ang role niya sa “El Presidente” na official entry sa MMFF 2012.