Plunder kay Binay

JUNJUN BINAY INQUIRER

JUNJUN BINAY INQUIRER

Muling inireklamo ng plunder ang sinibak na si Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay sa Office of the Ombudsman kahapon kaugnay ng maanomalya umanong P828 milyong Information Technology contract na pinasok nito. Ayon kay Atty. Renato Bondal ang mga kontrata mula 2008 hanggang 2014 ay napunta sa Codeworks.PH at Powerlink.Com Corporations na pinatatakbo umano ng mga dummy ng pamilya Binay. Kasama sa kaso ang mga konsehal na nag-apruba sa mga kontrata at ang mga opisyal ng dalawang IT firms. Ang Codeworks.PH at Powerlink.com ay iniuugnay kay Gerardo “Gerry” Limlingan na inaakusahang dummy ni Vice President Jejomar Binay. Si Limlingan ay pangulo umano ng JC Binay Foundation at opisyal ng Powerlink.Com at ang misis naman niyang si Marguerite Lichnock ay incorporator ng Codeworks.PH. Mula 2008 hanggang 2014, nakuha ng Codeworks.PH ang 57 porsyento ng IT contract sa Makati na nagkakahalaga ng P526 milyon samatalang ag Powerlink.Com ang nakakuha ng 35 porsyento na nagkakahalaga ng P322 milyon. Matatandaan na sinibak ng Ombudsman si Binay kaugnay ng kontratang pinasok nito para sa pagtatayo ng Makati City Parking Building

Read more...